Paano magpadala sa GCash mula sa Wise- 2025
Ang Wise (dating kilala bilang TransferWise) ay isang pandaigdigang provider ng multi-currency card at mga serbisyo sa account, na nag-aalok ng madadaling paraan para pamahalaan ang iyong pera sa maraming currency, kasama na ang PHP at 40 pang ibang currency. Puwede kang mag-hold ng balanse, mag-exchange, gumastos gamit ang iyong Wise card, at magpadala rin ng mga bayad - kasama na ang mga pagbabayad mula sa Wise papuntang GCash (TransferWise papuntang GCash).
Ang GCash ay isang sobrang sikat na e-wallet sa Pilipinas na may madadaling paraan para magpadala, tumanggap, gumastos, at mamahala ng iyong mga pagbabayad sa PHP. Kung gusto mong maglipat ng pera sa GCash, posibleng iniisip mo kung paano mag-set up ng padala sa GCash mula sa Wise - para sa iyo ang gabay na ito. Simple lang maglipat ng pera sa GCash mula sa Wise app, mabababa rin ang mga fee, kahit na mag-convert ka pa ng mga currency bilang bahagi ng transaksyon. Tingnan natin.
Ang Kailangan Mo Bago Magsimula
Bago ka makagastos ng pera mula sa Wise papuntang GCash, kailangan mo munang tiyaking naka-set up at handa na ang iyong mga Wise at GCash account. Puwede mong i-set up nang maginhawa ang iyong Wise account online o sa Wise app, at magpa-verify gamit ang iyong lokal na dokumento ng ID. Kung Pilipino ka, puwede kang pumili mula sa mga sumusunod na dokumento:
National ID ng Pilipinas (PhilID)
Passport
Lisensya sa pagmamaneho
UMID
Kung isa kang dayuhan sa Pilipinas, kailangan mong gamitin ang passport mo. Kapag na-verify na ang iyong account at mayroon kang balanse, handa ka nang magpadala sa GCash.
Para maihanda ang iyong GCash account na tumanggap ng remittance mula sa ibang bansa, kakailanganin mong tiyaking ganap ka ring na-verify sa GCash. May kasama ulit itong pag-upload ng mga snap ng ilang ID sa GCash para patunayan ang iyong pagkakakilanlan. Iba-iba ang eksaktong mga dokumentong kailangan depende sa iyong nasyonalidad, edad, at kung mayroon kang lokal o foreign na SIM. Para sa mga residente ng Pilipinas, ang mga kinakailangan ay kapareho ng sa Wise, na may malawak na hanay ng mga dokumentong tinatanggap para sa mga Pilipino at passport para sa mga dayuhang residente.
Kung hindi ka residente ng Pilipinas, o mayroon kang foreign na SIM, tingnan ang impormasyon sa Help Center ng GCash online para tiyaking nasa iyo ang lahat ng kailangan mo.
Pagpapadala sa GCash mula sa Wise: Sunod-sunod na GabayÂ
Sisimulan mo ang pagpapadala mula sa Wise sa pamamagitan ng pag-log in sa iyong Wise account online o sa Wise app. Ang proseso ay ginagabayan ng mga prompt sa screen kaya madali lang itong sundan, at puwede ka ring magbukas ng chat sa app para humingi ng higit pang tulong kung kailangan mo.
Narito ang sunod-sunod na hakbang kung paano magpadala sa GCash mula sa Wise:
Mag-log in sa Wise app at piliin ang balanse ng currency kung mula saan mo gustong maglipat ng pondo
I-click ang Ipadala (hanapin ang icon na arrow)
Ilagay ang halaga at currency na gusto mong ipadala sa GCash
Makikita mo kaagad ang exchange rate at ang anumang fee na malalapat sa padala
Piliin ang GCash bilang ang paraan ng pagtanggap habang sinusunod ang mga prompt sa screen
Idagdag ang mga detalye ng GCash wallet na gusto mong padalhan ng pera - tiyaking ilagay ang pangalan ng recipient kung paano ito eksaktong ipinapakita sa kanyang GCash account para sa maayos na pagpapadala
Ano ang Mangyayari sa Panig ng Recipient
Bilang sender, puwede mong subaybayan ang pagbabayad mo sa Wise app. Mag-log in sa iyong account at i-tap ang transaksyon para makita ang pag-usad nito.
Direktang idedeposito ang iyong bayad sa GCash account ng recipient kapag naproseso na ang pagbabayad.
Gaano katagal magpadala ng pondo sa GCash mula sa Wise
Kapag nagpadala ka sa GCash mula sa Wise, ipapakita sa iyo kung gaano katagal matatanggap ang pagbabayad bago mo simulan ang pagpapadala. Makakakita ka ng pagtatantya ng delivery sa Wise app bago mo kumpirmahin ang pagbabayad, kaya alam mo kung ano ang aasahan. Ang mga pagbabayad mula sa Wise ay puwedeng maging mabilis o instant - at karamihan ay dumarating sa loob ng 24 na oras.
Sa huli, ang tagal ng pagpapadala ng pera sa GCash o sa anupamang bangko o e-wallet ay nakadepende sa maraming salik kasama na ang ipapadalang currency, halaga, at ang paraan ng pagpoproseso ng pagbabayad.
Magkano ang magagastos sa pagpapadala ng pera sa GCash mula sa Wise?
Kapag nagpadala ka ng pera sa GCash mula sa Wise, may iba't ibang fee na nalalapat depende sa mga detalye ng iyong pagbabayad.
PHP dapat ang mga pagbabayad na matatanggap sa GCash account. Kung magpapadala ka ng pagbabayad mula sa iyong balanse sa Wise na nasa PHP na, wala kang gagastusin para sa pag-convert ng currency. Mayroon lang mababang fee sa Wise para sa pagpoproseso ng pagbabayad, na kadalasang PHP 35, bukod pa sa VAT na nakadepende sa halaga ng ipapadala mo*.
Kung mayroon kang balanse sa isa pang currency sa Wise, pangangasiwaan ng Wise ang pag-convert ng currency kapag prinoseso na ang pagbabayad mo para ipadala sa GCash Wallet ng recipient mo. Ginagamit ng Wise ang exchange rate sa mid-market para i-convert ang iyong pagbabayad, at nagdaragdag ito ng mababang variable fee depende sa halaga ng padala. Nalalapat din ang VAT. Para magbigay ng ideya, habang isinusulat ito, ang fee para magpadala ng 1,000 USD na tatanggapin sa GCash sa PHP ay may kabuuang 0.71%, mahigit 7 dollars lang*.
Kung ipoproseso ang iyong pagbabayad bilang international na remittance, kadalasang hindi tumatanggap ng mga fee ang GCash. Kung ipoproseso ang pagbabayad bilang isa pang uri ng padala sa pamamagitan ng GCash, may malalapat na maliit na fee.
Kung mayroon kang balanse sa Wise, hindi mo kailangang ipadala ito sa GCash para magamit ang pera mo. Puwede mo ring gastusin ang iyong balanse sa Wise gamit ang Wise debit card para sa pang-araw-araw na paggamit o pagbiyahe sa ibang bansa. Gumastos sa 150+ Â bansa, gamit ang rate sa mid-market at may mabababang fee sa tuwing kailangan mong mag-convert ng mga currency.
*Tama ang mga detalye sa panahon ng pananaliksik - Abril 30, 2025Ano ang mga limitasyon ng pagpapadala ng pera sa GCash mula sa Wise?Â
Sa pangkalahatan, may mga limitasyon ang Wise na nag-iiba-iba batay sa currency na ipapadala mo at kung paano ito tatanggapin. Kung nagpapadala ka sa GCash mula sa Wise, ang limitasyon kada padala ay PHP 49,999.
May mga limitasyon din ang GCash sa halaga na puwede mong i-hold sa iyong account. Bilang ganap na na-verify na user, puwede kang mag-hold nang hanggang PHP 100,000 sa iyong GCash account. May mga opsyon ding itaas ito sa PHP 500,000 sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang karagdagang hakbang.
Pag-troubleshoot at Mga Tip
Tapusin natin ito sa pamamagitan ng ilang kapaki-pakinabang na tip para matiyak na magiging maayos ang pagpapadala mo sa GCash mula sa Wise:
Bago mo simulan ang padala mula sa Wise, tiyaking ganap na na-verify ang GCash account ng recipient mo
Suriin ang pangalan ng recipient mo sa kanyang GCash account, at tiyaking ilagay ito nang eksakto kapag na-prompt para sa pangalan ng recipient sa Wise
Tiyaking matatanggap ng recipient mo ang iyong pagbabayad batay sa kasalukuyan niyang balanse sa wallet - posibleng tanggihan ang iyong padala kung lalampas siya sa limitasyon sa pag-hold na PHP 100,000
Subaybayan ang padala sa Wise app para makita kung saan ito napunta, at magbukas ng chat sa app para humingi ng tulong kung kailangan mo
Pagpapadala sa GCash mula sa Wise: Konklusyon
Puwede kang magpadala sa GCash mula sa Wise gamit ang Wise app kung mayroon kang balanse sa Wise at gusto mong ilipat ito sa GCash para sa madaling paggastos. Kung nasa ibang currency ang iyong balanse maliban sa PHP, iko-convert ito ng Wise sa PHP para sa iyo gamit ang exchange rate sa mid-market at nang may mabababa at transparent na fee na makikita mo at maihahambing bago mo simulan ang pagbabayad. Kung mayroon ka nang balanse sa PHP, may maliit na fee sa Wise na PHP 35 para ilipat sa GCash ang iyong pera.
Kung ayaw mong ipadala sa Gcash ang iyong balanse sa Wise, puwede mo ring gamitin ang Wise card mo para gastusin nang maginhawa ang iyong pera sa Pilipinas at kung saan ka man maglalakbay.