Paano Magpadala ng Pera gamit ang Wise: Gabay para sa Mga Baguhan
Ang Wise (dating TransferWise) ay isang online na specialist sa mga international na pagbabayad at serbisyo sa multi-currency account para sa mga indibidwal at negosyo. Nagbibigay ang Wise ng serbisyo sa maraming iba't ibang bansa - kasama na ang mga personal at negosyong customer sa Pilipinas - na may mga pagbabayad na mabilis, mura, at madaling i-set up.
Namumuhunan ang Wise sa mga makabagong paraan para gawing mas madali ang mga international na pera padala, na nagreresulta sa mura, transparent, at maginhawang solusyon para sa pagpapadala at pagtanggap ng mga cross-currency na padala.
Tinatalakay ng gabay na ito ang lahat ng dapat malaman tungkol sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa gamit ang Wise, kasama na ang kung paano gumagana ang proseso, mga sunod-sunod na hakbang para magsimula, at isang sulyap sa mga fee at exchange rate ng Wise.
Ano ang pera padala gamit ang Wise?
Sa Wise, puwede kang magpadala ng pagbabayad sa isang account sa bangko o mobile wallet sa 40+ bansa, para sa mabilis o instant pa nga na pagdeposito sa currency na kailangan ng recipient mo. Ang lahat ng pagpapadala gamit ang Wise ay sine-set up online o sa Wise app, at puwede mong piliing magbayad sa PHP gamit ang isang hanay ng mga opsyon kasama na ang lokal na bank transfer, card, o ewallet sa pamamagitan ng Instapay. Pagkatapos, iko-convert ng Wise ang iyong mga pondo sa nire-require na currency at idedeposito ang mga iyon sa account sa bangko o mobile wallet ng recipient.
Nag-aalok ang Wise ng mabababa at transparent na fee at puwede rin nitong ihatid nang mabilis ang mga pagbabayad. Kalakhan nito ay nagagawa dahil sa network ng pagbabayad ng Wise β isang makabagong paraan ng pagpoproseso ng mga international na padala nang walang tagapamagitan at may mas mabababang gastos kumpara sa SWIFT, ang network na mas gusto ng mga bangko.
Ipapadala mo ang iyong pera sa account ng Wise sa Pilipinas at kapag dumating na ito, babayaran ng Wise ang iyong recipient mula sa account nito sa destinasyong bansa. Ang network ng mga bank account na ito sa buong mundo ay nangangahulugang hindi talagang kailangang tumawid sa mga hangganan ang mga padala gamit ang Wise β kaya nababawasan ang mga gastos at nagiging mas mabilis ang buong proseso.
Narito ang ilang pangunahing punto tungkol sa pagpapadala ng international na pagbabayad gamit ang Wise:
Ginagamit ng Wise sa pag-convert ng currency ang exchange rate sa mid-market nang walang dagdag na fee
Ang Wise ay may mabababang fee sa pagpapadala na inihihiwalay para sa transparency at nagsisimula lang sa 0.57%
Ang mga pagbabayad sa Wise ay mabilis β ang 60% ay instant, ang 80% ay dumarating nang wala pang isang oras*
Madaling mag-set up ng pagbabayad sa Wise online o sa Wise app, hindi kailangang pumunta sa isang branch
*Ang bilis ng mga claim sa transaksyon ay nakadepende sa mga indibidwal na sitwasyon at posibleng hindi available para sa lahat ng transkasyon
Paano magpadala ng pera sa ibang bansa gamit ang Wise (dating kilala bilang TransferWise)
Hakbang 1: Pumunta sa Wise
Pumunta sa website ng Wise o i-download ang Wise app nang libre sa iOS at Android.
Hakbang 2: Mag-sign up
Ilagay ang iyong email address, Facebook, Apple, o Google ID at gumawa ng ligtas na password, na gagamitin mo para i-access ang account sa hinaharap.
Hakbang 3: I-verify ang iyong account
Kakailanganin mong sundin ang mga prompt para ibigay ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, numero sa pakikipag-ugnayan, at address ng tirahan. Ipa-prompt ka ring mag-upload ng larawan ng dokumento ng ID mo at patunay ng address β ang kailangan mo lang ay litratong kinunan sa telepono mo.
Hakbang 4: Magpadala
Kapag mayroon ka nang na-verify na Wise account, puwede mo nang i-set up ang una mong pagbabayad. Ilagay ang halagang gusto mong ipadala o ang halaga at currency na gusto mong makuha ng recipient. Makikita mo ang iba't ibang paraan na mapipili mo para magbayad, ang exchange rate at ang mga gastos sa pagpapadala. Makakakita ka rin ng pagtatantya ng delivery.
Hakbang 5: Mga detalye ng recipient
Kapag nasuri mo na ang lahat, punan ang mga detalye ng taong padadalhan mo ng pera, halimbawa ang kanyang @Wisetag, email, o telepono, o ang mga detalye ng kanyang bangko. Puwedeng mag-iba-iba ang mga detalyeng kailangan depende sa kung saan ka nagpapadala ng pera, pero gagabayan ka sa buong proseso sa pamamagitan ng mga prompt sa screen.
Hakbang 6: Pagsusuri sa padala
May ipapakita sa iyong buod ng lahat ng detalye ng iyong padala, kasama ang mga fee, ang pagtatantya ng delivery, at kung magkano ang matatanggap ng recipient mo sa huli.
Hakbang 7: Magbayad para sa padala
Kapag napunan mo na ang lahat ng nire-require na impormasyon, makakapagbayad ka na para sa iyong padala gamit ang pinili mong paraan ng pagbabayad. Muli, gagabayan ka sa bawat hakbang gamit ang mga prompt sa screen.
Kung ayaw mong magbayad kaagad para sa iyong padala, puwede mong piliing magbayad sa account sa ibang pagkakataon. Mananatiling nakabinbin ang padala hangga't hindi natatanggap ang bayad mo. Ipapakita sa iyo sa screen kung gaano katagal mapapanatili ang exchange rate na ibinibigay ng Wise habang pinoproseso mo ang iyong bayad.
Hakbang 8: Kumpirmasyon
Ang huling hakbang ay kumpirmasyon ng iyong order, isasama rito ang rate na natanggap mo, ang halagang ipinapadala mo, at ang kabuuang halaga na matatanggap ng recipient mo kapag nakumpleto na ang padala.
Paano magpadala ng pera gamit ang Wise β video ng sunod-sunod na hakbang
Β Panoorin: Paano magpadala gamit ang Wise
Kailangan ko ba ng bank account para magamit ang Wise?
Kung magpapadala ka ng pagbabayad gamit ang Wise, puwede kang magbayad gamit ang bank account mo, ewallet, o debit card. Puwede ka ring gumamit ng credit card.
Kung tumatanggap ka ng pagbabayad sa Wise, puwede mong ideposito ang pondo mo sa iyong bank account β o kung wala kang bank account sa currency na tinatanggap mo, puwede kang magbukas ng Wise account na nagbibigay-daan sa iyong tumanggap ng 20+ currency nang maginhawa.
Puwede ba akong mag-transfer sa Wise mula sa bank account ko?
Oo. Kung magpapadala ka ng pagbabayad gamit ang Wise, puwede mong piliing magbayad sa pamamagitan ng lokal na bank transfer kung gusto mo. Madalas na isa iyan sa mga pinakamurang opsyon at puwedeng maging maginhawa gamit ang online o mobile banking system ng bangko mo.
Paano ako makakapagbayad para sa padala ko gamit ang Wise?
Kung gusto mong magbayad para sa iyong international na padala gamit ang Wise sa PHP, puwede kang pumili mula sa mga sumusunod na opsyon:
Bank transfer
Credit o debit card
E wallet sa pamamagitan ng Instapay
Magpadala mula sa kasalukuyang balanse sa Wise
Paano gamitin ang Wise app
I-download ang Wise app at puwede kang magpadala nang madali mula sa Wise gamit lang ang telepono mo. Ang mga pangunahing hakbang para mag-set up ng Wise account at magsimulang magpadala ng pera ay halos kapareho lang ng mga nakabalangkas sa itaas. Narito ang isang maikling paalala sa kung paano gamitin ang Wise, na partikular na nakatuon sa paggamit ng Wise app:
I-download ang Wise app nang libre
Magparehistro ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong personal na impormasyon at impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Magpa-verify sa pamamagitan ng pag-upload ng larawan ng mga dokumento ng iyong ID
Imodelo ang pagbabayad na gusto mong gawin para makakuha ng quote sa fee at rate
Piliin kung paano mo gustong magbayad
Suriin ang lahat at kumpirmahin β ipa-prompt kang magbayad gamit ang napili mong paraan ng pagbabayad
Magkano ang singil ng Wise para magpadala ng pera?
Ginagamit ng Wise ang exchange rate sa mid-market para i-convert ang iyong pera sa currency na kailangan mo para ipadala ang pagbabayad mo. Pagkatapos nito, may ilang gastos na puwedeng mag-iba-iba batay sa destinasyong bansa at currency, at kung ano ang pipiliin mong paraan para bayaran ang padala. Malinaw na ipapakita sa iyo ang mga fee na ito kapag nag-set up ka ng iyong pagbabayad β at bago mo i-tap ang kumpirmahin β puwede mong tingnan at ihambing kung angkop ang Wise sa mga pangangailangan mo.
Ginagamit ng Wise ang sarili nitong network ng pagbabayad para magproseso ng mga transaksyon, at hindi ito nagpapatakbo ng pisikal na branch, kaya nananatiling mababa ang mga gastos kumpara sa maraming bangko na gumagamit sa SWIFT network. Pagkatapos ay ipapasa ng Wise ang katipiran na ito sa mga customer sa pamamagitan ng mabababang fee at magagandang exchange rate. Ibig sabihin, ang paggamit ng serbisyo gaya ng Wise ay may mas mababang pangkalahatang gastos kumpara sa bangko.
Exchange rate sa Wise
Kapag nag-exchange ka ng pera sa Wise, makukuha mo ang exchange rate sa mid-market. Katulad iyon ng makikita mo sa tool sa pag-convert ng currency o sa Google, nang walang dagdag na markup. Ang markup ay isang dagdag na percentage fee na karaniwang idinaragdag sa rate sa mid-market kapag kinakalkula ng mga bangko at serbisyo sa pera padala ang mga rate na iniaalok sa mga retail na customer. Hindi ito madaling makita at puwede itong mangahulugang mas mataas ang pangkalahatang gastos kaysa sa inaasahan mo.
Ginagamit ng Wise ang rate sa mid-market dahil mahalaga ang transparency. Malinaw mong makikitang nakahiwalay ang rate at ang mga gastos para matukoy mo ang halagang binabayaran mo para sa iyong padala nang hindi na kailangang magkalkula.
Gaano katagal magpadala ng pera sa ibang bansa gamit ang Wise?
Dahil ginagamit ng Wise ang sarili nitong network ng pagbabayad sa halip na ang SWIFT network, puwedeng maging napakabilis ng mga padala. Bagama't nag-iiba-iba ang eksaktong haba ng panahon para magpadala ng pera sa ibang bansa gamit ang Wise batay sa mga salik na tulad ng destinasyong bansa at halaga ng pagbabayad, sa kabuuan, 60% ng mga international na padala ng Wise ay instant o dumarating sa loob lang ng ilang segundo, at 80% ay nasa isang oras o wala pa.
Makakakita ka ng pagtatantya ng delivery bago mo kumpirmahin ang iyong international na padala gamit ang Wise, kung saan ipapaalam sa iyo kung kailan posibleng ideposito at handa nang gamitin ang pera mo. Kapag nakumpirma mo na ang iyong pagbabayad, madali mo rin itong masusubaybayan sa Wise app.
Go to Wise π
Mga limitasyon sa pagpapadala ng pera gamit ang Wise
Kung nagpapadala ka ng pera mula sa Pilipinas, posibleng may ilang limitasyon sa pagpapadala batay sa kung paano mo gustong magbayad, at may ilan ding limitasyong nalalapat batay sa destinasyong currency. Mula sa PHP, puwede kang magpadala nang hanggang PHP 50,000 bawat padala. Kung kailangan mong magpadala nang higit pa rito, puwede mong hatiin ang iyong pagbabayad sa ilang indibidwal na transaksyon.
Nag-iiba-iba ang nalalapat na mga limitasyon batay sa currency na pagpapadalhan mo, pero sa pangkalahatan, nakatakda ito nang mataas para hayaan ang mga customer na gumawa ng transaksyon nang malaya.
Paano makatanggap ng pera gamit ang Wise
Makakatanggap ka ng pera gamit ang Wise sa 3 paraan:
Deposito sa iyong bank account
Deposito sa isang ewallet kasama ang GCash, Maya (dating kilala bilang PayMaya), GrabPay, Starpay, Bayad Wallet, TayoCash, ShopeePay, at JuanCash
Magbukas ng Wise account at tumanggap ng pagbabayad doon sa 20+ sinusuportahang currency
Kung gusto mong ideposito ang iyong pera sa bank account mo, ang kailangan mo lang gawin ay ibigay sa sender ang mga detalye ng bangko mo (kasama ang iyong pangalan at account number). Para sa pagdeposito sa isang ewallet, ibigay lang sa sender ang impormasyon ng ewallet mo, batay sa partikular na wallet na gusto mong gamitin. Idedeposito ang pagbabayad sa iyong account kapag naproseso na ito, at wala kang kailangang gawin.
Bilang alternatibo, puwede ka ring magbukas ng Wise account at ipadeposito ang iyong pera doon gamit ang mga lokal na detalye ng bank account na galing sa Wise. Kapag na-set up mo ang iyong Wise account, puwede kang makakuha ng mga lokal na detalye ng account sa 20+ (na) pangunahing currency kasama na ang AUD, NZD, USD, GBP, EUR at iba pa. Pagkatapos, puwede mong ibigay na lang ang mga detalyeng ito sa taong magpapadala sa iyo ng pagbabayad at agad na maidedeposito sa iyong account ang mga pondo para sa kaginhawahan.
Narito ang mabilis na sunod-sunod na hakbang bilang gabay sa pagbubukas ng Wise account at pagtanggap ng pagbabayad doon:
I-download ang Wise app o mag-sign up sa site ng Wise sa desktop
Magparehistro ng account sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong personal na impormasyon at impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Magpa-verify sa pamamagitan ng pag-upload ng larawan ng mga dokumento mo
Kapag na-verify na ang iyong account, i-tap ang + na simbolo sa app para magbukas ng balanse sa currency na gusto mong matanggap
I-tap ang balanse ng currency at pagkatapos ay piliin ang Tingnan ang mga lokal na detalye ng account
Ipapakita sa iyo ang impormasyon ng account na kailangan mo β ibahagi ito sa sender
Direktang idedeposito sa Wise ang pera mo
Magkano ang gastos para makatanggap ng pera sa Wise?
Kung tumatanggap ka ng pagbabayad sa Wise papunta sa normal na bank account mo, walang babayarang fee sa Wise. Tandaang puwede mong makitang maniningil ng fee ang sarili mong bangko para sa mga papasok na pagbabayad.
Kung tumatanggap ka ng pera sa Wise papunta sa sarili mong Wise account gamit ang iyong mga lokal na detalye ng account, libre ito sa karamihan ng mga sitwasyon. May ilang fee na dapat malaman, kung tatanggap ka ng mga SWIFT o wire na pagbabayad. Halimbawa, kung babayaran ka sa pamamagitan ng wire sa USD, may nalalapat na 6.11 USD na singil, pero puwede kang makakuha ng USD nang libre kung gagamit na lang ng ACH na pagbabayad ang sender. Ang iba pang fee sa pagbabayad gamit ang SWIFT ay nag-iiba-iba depende sa currency na pinag-uusapan, pero available ang lahat ng detalye sa website ng Wise kaya puwede mo itong tingnan bago ka tumanggap ng papasok na pagbabayad sa Wise.
Paano magpadala ng pera sa Bank account ko mula sa Wise account
Kung mayroon kang balanse sa iyong Wise account, puwede mo itong i-withdraw sa sarili mong bangko sa madaling paraan
Mag-log in sa iyong Wise account online o sa Wise app
I-tap ang Magpadala, at ilagay ang halagang gusto mong ipadala sa iyong bank account mula sa Wise
Kumpirmahin ang currency na gusto mong matanggap sa iyong bangko, at ilagay ang impormasyon ng bank account mo habang sinusunod ang mga prompt
Kumpirmahing gusto mong magbayad mula sa iyong balanse sa Wise kapag pinipili ang paraan ng pagpopondo
Suriin ang lahat at kumpirmahin para mag-withdraw ng pera mula sa Wise papunta sa iyong bangko
Konklusyon
Madali ang pagpapadala ng pera sa ibang bansa gamit ang Wise at magagawa ang lahat ng ito online o sa Wise app. Magagawa mong magbayad para sa iyong pagpapadala sa PHP at ideposito ito sa account ng recipient mo sa alinman sa 40+ sinusuportahang bansa.
Dahil nakabuo na ang Wise ng sarili nitong network ng mga bank account sa buong mundo, puwede itong magproseso ng mga international na pagbabayad nang mabilis at nang may mabababang fee. Tingnan kung kumusta ang Wise pagdating sa gastos, transparency, bilis, at dali sa paggamit kumpara sa ilang iba pang opsyon para makuha ang pinakamahusay para sa partikular mong pangangailangan.
FAQ β Paano Magpadala ng Pera gamit ang Wise
Kung mayroon kang balanse sa Wise, puwede kang magpadala ng pera mula rito, magpadala ng pera papunta sa isa pang account sa pangalan ng ibang tao, o i-withdraw ito sa sarili mong bank account. Kung magpapadala ka ng pagbabayad sa isang tao mula sa iyong balanse sa Wise, ise-set up mo ang iyong pagbabayad gaya ng karaniwan at pipiliin mo lang ang balanse sa Wise bilang ang gusto mong opsyon sa pagbabayad kapag na-prompt.
Madalas na walang limitasyon ang halagang puwede mong matanggap sa isang Wise account, pero kapaki-pakinabang na malaman na may mga limitasyon sa pag-hold ng balanse sa ilang bansa o sa ilang partikular na currency. Kunin ang lahat ng detalye sa site ng Wise sa desktop, o makipag-ugnayan sa service team para sa karagdagang tulong kung magkakaroon ka ng mga problema.
Para gumawa ng international na padala gamit ang Wise, kakailanganin mo lang ilagay ang halaga at currency na gusto mong ipadala, o kung magkano ang kailangang matanggap ng recipient sa huli, sa site sa desktop o sa app ng Wise. Sundin ang mga prompt para magbayad, at tatakbo na agad ang pera mo.