USD account sa Pilipinas
Puwedeng magkaroon ng malalaking bentaha ang pagbubukas ng US dollar (USD) account sa Pilipinas, kasama na ang pagbibigay-daan sa iyong tumanggap, mag-hold, at gumastos ng dollars, at pagkakaroon ng opsyong i-convert ang mga iyon sa ibang currency. Puwedeng makinabang ang mga indibidwal at negosyo mula sa isang USD account sa Pilipinas kapag regular silang gumagamit ng dollars.
Gayunpaman, para makapagbukas ng US dollar acount sa isang bangko sa Pilipinas, posibleng kailanganin mong magpanatili ng mataas-taas na halaga ng minimum balanse at magbayad ng mga fee para sa maintenance ng account at transaksyon. Sa maraming sitwasyon, hindi ka makakakuha ng debit card gamit ang USD account ng iyong bangko, kaya hindi magiging madali ang paggamit nito kapag naglalakbay ka. Puwedeng maging magandang alternatibo ang mga specialist provider na gaya ng Wise.
Sa artikulong ito, tatalakayin namin ang kailangan mong malaman tungkol sa pagbubukas ng US dollar account, kasama na ang pinakamahuhusay na US dollar account sa Pilipinas, ang mga sangkot na gastos, at kung paano magbubukas nito
Maikling buod: US dollar currency account
USD account sa Wise: Mag-hold at mag-exchange ng 40+ currency kasama na ang PHP at USD, mayroon itong debit card at walang patuluyang fee
USD account sa BDO: Para sa USD account, kailangan ng 200 USD na minimum na deposito sa pagbubukas at 500 USD na minimum na maintaining balance
USD account sa BPI: Para sa USD account na kumikita ng interes, kailangan ng 500 USD na deposito sa pagbubukas at minimum na maintaining balance
USD account sa Security Bank: Para sa USD account na nagpapahintulot sa iyo na mag-withdraw ng PHP o USD - kailangan ng 500 USD na minimum na maintaining balance
USD account sa PNB: Para sa USD account na may passbook, kailangan ng 500 USD na minimum na maintaining balance
Puwede ka bang magbukas ng USD account sa Pilipinas?
Puwede kang magbukas ng US dollar account sa Pilipinas sa pamamagitan ng bangko o ng isang specialist online provider. Posibleng may mga panuntunan ang mga account mula sa mga bangko para sa minimum na balanse, kaya kinakailangan mong laging magpanatili ng balanse sa iyong account para maiwasan ang mga fee. Ginagamit lang ang ilang account para mag-hold at gumawa ng transaksyon sa USD, habang nag-aalok naman ang mga provider tulad ng Wise ng iba pang currency.
Madalas na nag-aalok ang mga multi-currency account ng dose-dosenang opsyon sa currency, kasama na ang US dollars, na puwedeng maging maginhawa kung kailangan mong mag-hold, magpadala, o gumastos sa ilang currency.
Pinakamahuhusay na USD account sa Pilipinas
Provider | Minimum na balanse | Mga Fee | Debit card | Iba pang feature |
---|---|---|---|---|
Walang minimum na balanseng kinakailangan | Walang fee sa pagbubukas o buwanang fee para sa personal na account Isang beses na fee sa pagbubukas para sa business account - walang nalalapat na patuluyang fee | Available | Multi-currency account para pamahalaan ang 40+ currency Mga lokal at SWIFT na detalye ng account para sa 20+ currency Magpadala ng mga pagbabayad sa 40+ currency | |
BDO | 200 USD na minimum na balanse sa pagbubukas Kinakailangan ng 500 USD na average na minimum na pang-araw-araw na balanse | Magkakaroon ng 5 USD na fee kung hindi mapapanatili ang minimum na balanse | Hindi available | Account na kumikita ng interes |
BPI | Kinakailangan ng 500 USD na average na minimum na pang-araw-araw na balanse | Direktang kumpirmahin ang mga fee sa BPI kapag nag-a-apply para sa iyong account | Available | Account na kumikita ng interes |
Security Bank | Kinakailangan ng 500 USD na average na minimum na pang-araw-araw na balanse | Magkakaroon ng 5 USD na fee kung hindi mapapanatili ang minimum na balanse | Hindi available | Account na kumikita ng interes Mag-withdraw ng USD sa branch (napapailalim sa availability ng currency) |
PNB | Kinakailangan ng 500 USD na average na minimum na pang-araw-araw na balanse | Magkakaroon ng 20 USD na fee kung hindi mapapanatili ang minimum na balanse | Hindi available | Account na kumikita ng interes May ibibigay na passbook |
USD account sa Wise
Magagamit ang mga multi-currency account ng Wise para mag-hold, magpadala, at gumastos ng USD pati na rin ng 40+ karagdagang currency. Available ang mga ito para sa personal na paggamit at paggamit ng negosyo at may kasamang mga detalye ng lokal at SWIFT account para sa 20+ magkakaibang currency kasama na ang US dollars, para makatanggap ka ng mga pagbabayad sa maginhawang paraan.
Puwede ka ring makakuha ng naka-link na pisikal o virtual na debit card para gumastos at mag-withdraw sa ATM sa bansa mo at sa ibang bansa. Ginagamit sa pag-convert ng currency ang exchange rate sa mid-market na may mabababa at transparent na fee.
Mga fee sa Wise: Walang fee sa pagbubukas ng personal account, walang patuluyang fee, may isang beses na fee para makakuha ng card ang mga may personal account
Mga sinusuportahang currency: 40+ kasama ang USD
Mga exchange rate sa Wise: Rate sa mid-market
Pagtanggap ng mga pagbabayad: Mabayaran gamit ang mga lokal na detalye sa 20+ currency
Iba pang kapansin-pansing feature: Magpadala sa 40+ bansa, gumastos gamit ang iyong card sa 150+ bansa
Password
Nag-aalok ang BDO ng USD account na nilalayon para sa mga taong gustong pagkakitaan ng interes ang kanilang dollars. Kailangan mong magkaroon ng minimum na balanse na 500 USD sa average para maiwasan ang mga fee, pero kapag may pera ka na sa iyong account, posibleng kwalipikado kang kumita ng interes sa kasalukuyang rate ng bangko. Posibleng may mga nalalapat na fee para sa maagang pagsasara ng account, fee kapag bumaba sa minimum na balanse, at fee sa pagiging di-aktibo depende sa kung paano mo ginagamit ang iyong account.
Mga fee sa BDO: 5 USD na fee kung hindi mapapanatili ang minimum na balanse
Mga sinusuportahang currency: USD
Mga exchange rate ng BDO: Tingnan ang mga available na rate online o magtanong sa branch
Pagtanggap ng mga pagbabayad: Magdeposito ng cash, magpadala ng mga online na pagbabayad o mag-remit ng mga pagbabayad mula sa ibang bansa sa USD account mo sa BDO
Iba pang kapansin-pansing feature:Β Posibleng available ang pagbubukas ng online na account
USD account sa BPI
Ang BPI ay may USD account na kumikita ng interes at may requirement na 500 USD na minimum na balanse. Ang account ay may kasamang debit card na maginhawa dahil maa-access mo ang pera mo sa ATM, o makakapagbayad ka kapag namimili. Ang account na ito ay nilalayon para sa mga taong nagdedeposito ng cash, mga tseke, at nagde-demand ng mga draft.
Mga fee sa BPI: Hindi detalyado ang mga fee online - magtanong sa bangko kapag nagbukas ka ng iyong account
Mga sinusuportahang currency: USD
Mga exchange rate ng BPI: Tingnan ang mga available na rate online o magtanong sa branch
Pagtanggap ng mga pagbabayad: Magdeposito ng cash, mga tseke, o mga demand draft
Iba pang kapansin-pansing feature: Available ang debit card para sa mga pag-withdraw ng cash at pagbabayad
Password
Puwede kang magbukas ng USD account sa Security Bank na may 500 USD na minimum na deposito, at mag-withdraw ng cash over the counter sa isang branch kapag kailangan mo. Posibleng kailanganin mong i-order nang maaga ang USD na cash mo para magamit ang serbisyong ito. May mga nalalapat na fee kung hindi mo mapapanatili ang iyong minimum na balanse sa account sa loob ng 2 buwan o higit pa.
Mga fee sa Security Bank: 5 USD fee kung hindi mapapanatili ang minimum na balanse
Mga sinusuportahang currency: USD
Mga exchange rate ng Security Bank: Tingnan ang mga available na rate online o magtanong sa branch
Pagtanggap ng mga pagbabayad: Direktang alamin sa bangko ang mga available na paraan ng pagtanggap
Iba pang kapansin-pansing feature: Mag-withdraw ng cash over the counter kapag kailangan mo
Password
May USD account ang PNB na puwede mong buksan online o sa isang branch, na may kinakailangang deposito na 500 USD. Puwede kang kumita ng interes sa balanse ng iyong account, pero tandaan na may nalalapat na mataas na fee kung hindi ka makakapagpanatili ng 500 USD sa account sa loob ng 2 buwan o higit pa. Puwede ring may ilapat na mga fee sa pagiging di-aktibo ng account kung hindi mo gagamitin ang iyong account sa loob ng 2 taon.
Mga fee sa PNB: 20 USD na fee kung hindi mapapanatili ang minimum na balanse
Mga sinusuportahang currency: USD
Mga exchange rate ng PNB: Tingnan ang mga available na rate online o magtanong sa branch
Pagtanggap ng mga pagbabayad: Direktang alamin sa bangko ang mga available na paraan ng pagtanggap
Iba pang kapansin-pansing feature: Mataas na fee kung hindi mo mapapanatili ang iyong balanse
Ano ang isang USD account?
Available sa Pilipinas ang mga US dollar account mula sa mga bangko at alternatibong provider. USD lang ang hawak ng ilang account, habang nagbibigay-daan naman sa iyo ang iba na mamahala ng dollars kasama ng iba pang currency para sa mas malaking flexibility.
Ang mga feature ng iyong USD account ay nakadepende sa eksaktong produktong pipiliin mo - puwede kang makatanggap ng mga pagbabayad mula sa iba sa USD o gumastos nang USD nang personal at online sa pamamagitan ng isang naka-link na debit card. Mayroon ding mga account na mas nakatuon sa mga customer na gustong mamuhunan at mag-ipon ng mga foreign na currency. Sulit na isaalang-alang kung paano gustong gamitin ang iyong account bago mo piliin ang tamang produkto para sa iyo, para matiyak na makukuha mo ang lahat ng feature na mahalaga sa iyo.
Paano gumagana ang isang USD account?
Kapaki-pakinabang na tandaang kadalasang dinidisenyo ang mga USD account habang iniisip ang isang partikular na uri ng customer. Kadalasan, ang mga account na nakukuha mo mula sa mga bangko ay para sa pag-iipon ng USD - pero hindi dinisenyo para sa gastusin sa biyahe. Ang mga alternatibong account mula sa mga provider na tulad ng Wise ay mas tungkol sa flexible na pamamahala ng currency, at may kasamang debit card at opsyon na mag-hold ng dose-dosenang iba pang currency pati na ng USD. Sa pangkalahatan, kakailanganin mong magdagdag mismo ng pera sa pamamagitan ng digital transfer, o hilingin sa isang tao na padalhan ka ng pera, bago ka magsimulang gumastos.
USD account na may debit card
Ang mga USD account mula sa mga bangkong na-highlight namin sa itaas ay hindi palaging may kasamang naka-link na mga debit card. Sa halip, nakatuon ang mga ito sa mga taong gustong mag-ipon ng USD.Β Kung ang gusto mo ay isang account na magagamit mo sa pagbiyahe, posibleng mas maganda ang isang specialist provider na gaya ng Wise. Narito ang isang paalala:
Wise account at card: Mag-order ng card na may mababang pang-isang beses na fee, at gumastos sa 150+ bansa, sa 40+ currency. Sinusuportahan ang USD para sa pag-hold at pag-exchange, at gumagamit ng mga rate sa mid-market na may mababang fee sa pag-convert ng currency
Paano magbukas ng USD account sa Pilipinas
Nag-iiba-iba ang eksaktong proseso ng pagbubukas ng US dollar account depende sa provider na pipiliin mo. Sa ilang sitwasyon, kakailanganin mong ipakitang natutugunan mo ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado para makapagbukas ng account. Gayunpaman, maraming provider ng US account ang nagbibigay-daan sa mga customer na magbukas at mamahala ng kanilang mga account online at sa pamamagitan ng mga mobile app para sa kaginhawaan at bilis.
Kadalasang kasama sa mga hakbang na kailangan mong gawin para makapagbukas ng US dollar account ang:
Piliin ang pinakamahusay na provider para sa iyong mga pangangailangan
Magparehistro para sa iyong account online, sa pamamagitan ng app ng provider, o sa lokasyon ng isang branch
Ibigay ang iyong personal na impormasyon at impormasyon sa pakikipag-ugnayan
Kumpletuhin ang mga nire-require na hakbang sa pag-verify
Pondohan ang iyong account gamit ang minimum na nire-require na balanse o higit pa - at handa ka na
Puwedeng kasama sa mga dokumentong kadalasang kailangan mo kapag nag-apply ang Passport, Lisensya sa Pagmamaneho, PRC ID, UMID, SSS ID, PhilySys ID o School ID. Kung wala ka ng isa sa mga dokumentong ito, posible ka pa ring makapag-apply sa pamamagitan ng pagbibigay ng 2 alternatibong dokumento para patunayan ang iyong pagkakakilanlan.
Paano magbukas ng USD account online
Baka malaman mong puwede kang magbukas ng USD account online o sa mobile banking system ng iyong bangko. Gayunpaman, hindi ito laging posible.
Nag-aalok ang mga digital provider na gaya ng Wise ng ganap na online o in app na pag-apply, pag-verify, at pag-onboard. Bilang halimbawa, narito kung paano magbukas ng Wise account:
I-download ang Wise app, o buksan ang site ng Wise sa desktop
Magparehistro gamit ang iyong email address, o isang Apple, Google, o Facebook account
Sundin ang mga prompt para ilagay ang iyong mga personal na detalye
I-upload ang mga dokumento ng ID mo at patunay ng address para sa pag-verify
Kapag na-verify na ang iyong account, puwede mong piliin ang Balanse ng Currency at i-tap ang USD para buksan ang iyong USD account
Mag-top up sa iyong balanse, at kumpletuhin ang anumang nire-require na hakbang na panseguridad - available ang mga detalye ng iyong account sa tab na balanse ng currency sa Wise app
Ano ang mga bentaha ng USD account sa Pilipinas?
Ang mga USD account ay madaling gamitin para sa sinumang kailangang magpadala o tumanggap ng mga pagbabayad sa USD - hindi mo na kailangang palaging i-convert ang iyong pera pabalik sa PHP, kaya nababawasan ang mga hindi kinakailangang gastos. Gusto rin ng ilang tao na magkaroon ang isang US dollar account ng naka-link na international na debit card na magagamit kapag bumabiyahe sa US. Ang mga provider na tulad ng Wise ay may mga card sa pagbabayad na naka-optimize para magamit sa ibang bansa, na may sulit na exchange ng currency at ilan ding withdrawal sa ATM na walang fee.
Posibleng piliin ng ibang tao na magbukas ng US dollar account para mag-ipon at mamuhunan. Ang pagkakaroon ng savings sa ibang currency ay puwedeng maging kapaki-pakinabang kung plano mong bumiyahe, pero magandang paraan din ito para gawing iba't iba ang iyong portfolio sa pamumuhunan.
Puwedeng makinabang ang mga negosyo sa isang US dollar account kung kailangan nilang magbayad at mabayaran sa USD. Puwede kang mag-hold ng balanse sa US dollar bilang diskarte laban sa pagbabago-bago ng exchange rate, o para sa mga pagbabayad sa hinaharap, puwede ka ring bayaran sa US dollars ng mga customer at kliyente, mga marketplace at PSP tulad ng Stripe.
Paano gamitin ang USD account
Gaya ng nakita natin, ang mga US dollar account na mabubuksan mo mula sa Pilipinas ay posibleng may ilang magkakaibang feature para umangkop sa iba't ibang pangangailangan ng customer. Ang makukuha mo ay depende sa partikular na produktong pipiliin mo, pero posibleng magawa mo ang sumusunod gamit ang mga US dollar account sa Pilipinas:
Mag-hold at mag-exchange ng USD pati na rin ng isang seleksyon ng iba pang currency sa isang account
Tumanggap ng mga pagbabayad sa USD sa pamamagitan ng pagbibigay sa iba ng mga detalye ng iyong account para sa bank transfer
Gumastos sa USD gamit ang isang naka-link na debit card
Mamuhunan sa USD, o mag-ipon para sa bill sa hinaharap o para bumili nang hindi na kailangang mag-convert pabalik sa peso
Mga detalye ng USD account
Kung kailangan mong mabayaran ng iba sa USD, gugustuhin mong makahanap ng US dollar account na may sariling lokal na mga detalye ng bangko sa USD para sa pagtanggap ng mga lokal na pagbabayad. Ang ilan sa mga account na sinuri namin sa gabay na ito - tulad ng account mula sa Wise - ay nag-aalok ng impormasyon ng US dollar account kasama na ang IBAN at ang lahat ng kailangan mo para makatanggap ng pagbabayad sa USD na parang isang lokal. Narito ang impormasyon ng USD account na makukuha mo mula sa Wise:
Mga detalye ng USD account |
---|
|
Bilang paalala, narito kung paano magbukas ng Wise account at makuha ang impormasyon ng iyong USD account:
I-download ang Wise app, o buksan ang site ng Wise sa desktop
Magparehistro gamit ang iyong email address, o isang Apple, Google, o Facebook account
Sundin ang mga prompt para ilagay ang iyong mga personal na detalye
I-upload ang mga dokumento ng ID mo at patunay ng address para sa pag-verify
Kapag na-verify na ang iyong account, puwede mong piliin ang Balanse ng Currency at i-tap ang USD para buksan ang iyong USD account
Mag-top up sa iyong balanse, at kumpletuhin ang anumang nire-require na hakbang na panseguridad - available ang mga detalye ng iyong account sa tab na balanse ng currency sa Wise app
Business account sa USD
Kung nagmamay-ari ka ng isang negosyo na may mga customer, contractor o supplier sa US, puwede kang makinabang mula sa isang business account na may foreign currency sa USD. Madalas na puwedeng mag-unlock ang mga customer na negosyo ng mga dagdag na feature kumpara sa mga personal na customer, para bigyang-daan silang magpadala ng pera sa iba sa USD, tumanggap ng mga US dollar na pagbabayad mula sa mga customer at provider ng pagbabayad, magpatakbo ng international na payroll, mag-isyu ng mga card para sa mga empleyado, at iba pa. Muli, posibleng lubhang magkakaiba ang mga feature ng iba't ibang USD business account - kasama sa ilan sa mga opsyon ang:
Business account sa Wise: Isang beses na fee para magbukas ng account, walang patuluyang mga singil. Mag-hold ng USD kasama ng maraming iba pang currency, mag-exchange gamit ang rate sa mid-market, makakuha ng mga debit at expense card at mga extra gaya ng mga pag-integrate ng cloud accounting at mga pagbabayad kada batch
Business account sa OFX: Para sa mga negosyo at online seller na gustong makatanggap ng mga pagbabayad ng customer at mabayaran sa pamamagitan ng mga PSP at market place. Iniaalok ang USD kasama ng 6 pang currency
Konklusyon: USD account sa Pilipinas
Ang pagbubukas ng US dollar account ay may malalaking bentaha para sa sinumang gustong tumanggap, magpadala, o mag-hold ng mga US dollar. Puwedeng magbukas ng mga account ang mga indibidwal at may-ari ng negosyo, mga freelancer at online seller, at mga provider kasama na ang mga highstreet na bangko at online specialist na kumpanya.
Maraming pagpipilian pagdating sa mga US dollar account, kaya ang pagpili nito ay batay lang sa iyong mga personal na requirement at kagustuhan. Gamitin ang gabay na ito sa pinakamahuhusay na US dollar account sa Pilipinas para simulan ang pananaliksik mo at mahanap ang perfect na USD account para sa mga partikular mong pangangailangan.
Mga FAQ tungkol sa US dollar account
Kumuha ng USD account mo mula sa isang bangko o isang espesyalista sa online na serbisyo. Nag-aalok ang iba't ibang provider ng mga account na may iba't ibang feature at fee, at posibleng may nalalapat na mga requirement sa pagiging kwalipikado.
Libre ang pagbubukas ng ilang US dollar account, na walang aalalahaning buwanan o patuluyang pagsingil - pero madalas na may nalalapat na mga requirement sa minimum na balanse kapag pumili ka ng USD account mula sa isang bangko. Magsagawa ng ilang pananaliksik - simula sa madaling gamiting gabay na ito - para mahanap ang tamang US dollar account para sa mga pangangailangan mo, kabilang ang mga alternatibong provider gaya ng Wise na may USD account na walang kinakailangan na minimum na balanse.
Posibleng makapag-alok ang mga bangko sa Pilipinas ng mga USD account sa mga customer, pero kadalasan nang para ito sa pag-iipon at pamumuhunan sa halip na para sa pagbiyahe o pang-araw-araw na paggamit. Tingnan ang mga opsyon mula sa BDO, BPI at Security Bank bilang mga halimbawa. Bilang alternatibo, isaalang-alang ang isang specialist provider gaya ng Wise na kadalasang mas mura at mas flexible.